Wednesday, June 27, 2007

Valence Electron and Analogy

"Valence electrons are the electrons contained in the
outermost, or
valence, electron shell of an atom..."

Isa ako sa mga ito, hindi dahil isa akong electron. 3-5 pm. ECE201. Semiconductors. In my point of view, ang mga valence electrons ang sobra sa electron configuration ng isang atom. Sa tingin ko, ganun din ako, hindi nga dahil electron ako!!!! Mahalaga lang ang valence electron kung may kulang na electron ang isa pang atom. Sa tingin ko, ganun din ako... mga pasaway, hindi nga dahil isa akong electron!!! Kung kulang ang isang grupo, ako ang nakikita nilang lagalag na electron. Para akong valence electron na pinakawalan ng isang stable na atom. Nakakalungkot isipin na hindi ako nabibilang sa isang stable na "atom". Sa lahat ng atom na puntahan ko, mukha silang stable, pero pag dumikit na ako sa atom na yun, ayun at bigla silang naging stable. Kung hindi ako nagkakamali, ang mga sobrang electron ang nagiging current sa isang circuit, palipat lipat, walang pupuntahan kundi sa isang negative terminal ng battery... haaay nako....

"Valence electrons are important in determining
how an element reacts chemically with other elements"

On second thought, masaya din maging isang valence electron. Alam mo kung bakit? Dahil nabasa ko yung malaking IMPORTANT sa taas!!! Joke lang... Kung hindi ako naging valence electron, maliit ang mundo ko hanggang ngayon. Iisipin ng mga tao na flexible ako, na hindi naman talaga. Ginagawa ko ang kahit ano kung gusto at kaya ko kaya nagmumukha akong flexible. Sa halos lahat ng "atoms" na napuntahan ko, mukha silang hindi stable. Nagiging stable na sila kung nasa kanila na ako, bale ba, sa valence electron nakasalalay ang performance ng buong atom pero ang valence electron din naman ang may hawak ng burden ng atom. Nakakatawa dahil naturingan silang atom eh mas nagmumukha pa silang valence electron, ung mga hindi na kailangang electron sa atom. Kung makakabuo lang ng isang element ang isang valence electron e di sana, nasa periodic table of elements na ako. hahahaha... Hindi sa may pinatatamaan at nagmamayabang ako, ito lang ang nakikita ko sa halos lahat ng instances na isa akong valence electron. Alam mo ba na kaaway ko ang mga alkali metals tulad nila Lithium, Sodium, Potassium, at Rubidium? Alam mo kung bakit? Dahil may valence electron sila na isa, imbes na maghanap pa sila ng pitong electron, pinakakawalan nila yung kawawang electron. Hulaan mo naman kung sino ang best friends ko sa periodic table of elements. Sila yung mga halogens, sila Flourine, Chlorine, at Iodine. Tunog nakakatakot pero hindi naman talaga. Best friends ko sila dahil may valence electron sila na pito, imbes na pakawalan yung pito, naghahanap sila ng isa para maging stable. One time nga ipapakilala kita sa kanila kung isa kang valence electron na nanggaling sa mga halogens... hahaha...

Conclusion

I therefore conclude that valence electrons are important in determining how an element reacts chemically with other elements... Yun na, kayo na bahala mag analyze ng pinagsasasabi ko....

No comments: